Matutulungan ka ng SBA na makahanap ng mga lokal na mga mapagkukunan para sa iyong negosyo

Ang U.S. Small Business Administration (SBA) ay palaging naghahanap ng mga bagong paraan upang mabigyan ka ng tulong na kailangan mo kung saan ka man naroroon. Ang aming Community Navigator Pilot Program ay idinisenyo upang tulungan kang makahanap ng mga mapagkukunan at payo. Panoorin ang video para alamin ang higit pa.

Ang SBA at ang mga Community Navigator ay ang iyong ulirang mga kasosyo sa negosyo.

Napakaraming maiaalok ng SBA kapag gusto mong pasimulan, patakbuhin o palaguin ang iyong maliit na negosyo. Kailangan mo bang maunawaan ang iyong mga opsyon sa pangungutang at humingi ng payo tungkol sa kung paano makitungo sa isang nagpapautang? Kailangan mo ba ng ilang gabay kung paano maabot ang mga bagong mamimili? Ikinalulugod naming tulungan ka sa pamamagitan ng aming payo, mapagkukunan, at pagtuturo.

Pinapatibay ng aming Community Navigator Pilot Program ang kanilang outreach sa mga negosyo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga organisasyong may malalim na koneksyon sa mga komunidad tulad ng iyong komunidad, para madali mong ma-access ang tulong ng SBA.

Ang tulong para sa iyong negosyo ay mas malapit kaysa sa iyong inaakala.

Ano ang magagawa namin para sa iyo

Ang programang ito, na itinatag ng American Rescue Plan, ay nag-uugnay ng mga may-ari ng negosyo sa mga kritikal na mapagkukunan at tulong. Ang mga Community Navigator ay mga bihasang gabay na makapagpapayo sa iyo tungkol sa mga pagkakataong ibinibigay ng SBA, kabilang ang mga sumusunod:

  • Abot-kayang mga pautang at iba pang uri ng pagpopondo.
  • Mga solusyon sa marketing at pagbuo ng negosyo.
  • Pagpapabuti ng mga operasyon.
  • Pagsasanay na partikular sa industriya para sa iyo at sa iyong mga empleyado.
  • Mga pagkakataon sa pag-import at pag-export.
woman on a phone looking at a laptop

PASIMULAN. PATAKBUHIN. PALAGUIN.

Siyasatin ang mga libreng mapagkukunan at kadalubhasaan
Last updated August 18, 2023